Sembreak na naman! Ibig sabihin nito ay isang linggo kaming walang pasok, isang linggong pahinga. At sa isang linggong ito, ito ang listahan ng aking gagawin :
1. Magpahinga - ito ang unang una kong gagawin. Dahil sadyang nakakapagod ang mga linggong lumipas lalo na't marami akong ginawang proyekto at naganap din ang aming pagsusulit. Bukod pa dito ay sumalang din ako sa iba't ibang paligsahan gaya ng Div. QuizBee, DSPC, Collab, at paggawa ng aming dyaryo.
2. Paggawa ng Takdang Aralin - akin munang gagawin ang mga takdang araling binigay para sa mga susunod na araw ay hindi na ako tamading gumawa.
3. Paggawa ng mga Artikulo - kelangan ko talaga itong magawa sapagkat kelangan ito para sa aming dyaryo.
4. Pagpunta sa eskwelahan - hindi para pumasok sa klase ngunit para tumulong sa paggawa ng mga artikulo lalo na't malapit na ang pasahan nito.
5. Pagbabasa ng mga aralin sa susunod na markahan - para maging handa na rin ako sa aming tatalakayin sa oras ng klase.
At ang ika- anim hanggang sampu ay ang MATULOG! dahil kulang na kulang talaga ang aking tulog noong mga nakalipas na linggo sa tambak kong gawain.
Mabilis mang matapos ang isang linggo ngunit kahit ganon ay nabigyan rin ako ng pahinga, :)
Friday, October 30, 2015
Monday, October 12, 2015
Tara, mamasyal sa Korea !
2015- Sa panahong ito mas lumalaki ang nagiging impluwensiya ng mga dayuhang bansa sa atin, ngunit mas higit na angat ang bansang Korea. Mapadrama man , kanta , bidang aktor at maging kanilang produkto ay ating tinatangkilik. Maging ako man nawiwili sa bansang ito, isa na riyan ang sikat na Kpop group na EXO. Mula sa kanilang kaarawan hanggang kani kanilang personal na buhay ay aking madalas sundan. Isa pa sa higit na hinahangaan ko sa bansang ito ay ang iba't ibang pook na nanaisan mo talagang puntahan. Ito ang 10 sa aking pinakagustong mapuntahan sa bansang Korea:
1. Seopjikoji, Jeju Island
2. Haeinsa Temple, Hapcheon
3. Yeojwa Stream
4. Bulguksa Temple
5. Halla Mountain
6. Silk Fall, Jiri Mountain
7. Yang Dong Traditional Village
8. Nami Island
9. Haeundae Beach
10. Nuri Peace Park
Ilan lamang iyan sa mga naggagandahang tanawin sa Korea na nais kong marating. Hindi man sa panahong ito ngunit tiyak na mabibisita ko rin lahat ng iyan.
Friday, August 21, 2015
Naku! bagong markahan na naman
Naku! bagong markahan na naman. Ang bilis lumipas ng panahon parang kahapon lang bumibili lang ako ng panggamit sa eskwelahan, ngayon itutuloy ko na naman ang walang humpay na pakikipaghanapan kay "x" sa Mathematics, pag-alam sa mga bagay-bagay sa Science, patuloy na pagbabasa ng akda sa Filipino at English, pagguhit ng mga kahon sa TLE, pagtuklas sa History at kung ano ano pa. Tiyak na mapupuno na naman ang utak ko ng mga bagong kaalaman na mapapanganga nalang ako at mapapatanong ng "ay, ganon pala yun?". Sana sa markahang ito ay patuloy akong makasabay sa talakayan, makasagot sa tanungan, at makapasa sa exam. Naku! bagong markahan na naman.
1 down 3 to go!
Isang markahan na naman ang lumipas. Sa markahang iyon marami rami rin ang di inaasahang nangyari nariyan iyong tipong mapapaiyak ka na lang sa hirap, minsan nama'y mapapahagalpak ka nalang sa tuwa, mapapasabunot ka sa sarili dahil sa inis, at ang sarap mapag-isa kapag alam mong pagod na pagod ka na. Lahat ng yan ay naranasan ko sa unang tatlong buwan ng taong panuruan na ito. Nakakatuwa lang balikan yung mga panahong kelangan niyo pang maghanapan ng guro mo sa iba't ibang asignatura para maipasa ang proyekto mo na animo'y kapag hindi mo iyon naibigay ayun na ang magiging wakas ng buhay mo, yung mga araw na hapon ka na nakakauwi matapos lang yung pinaghandaan niyong presentasyon ng mga kagrupo mo na taon - taon sila at sila pa rin ang kasama mo. Nandun din yung may magsasagutan at magbabangayan na kulang na lang magsapakan kung bakit ganoon nalang ang nakuha nilang marka todo sisi sa isa todo pagtanggi naman yung isa kesyo di ka tumulong, di ka pumunta sa praktis, di ka nagbigay ng ambag at kung ano - ano pa. Marami na naman akong natutunan sa markahang ito, salamat sa aking mga bagong guro, sa mga kaklase ko, sa mga kagrupo ko, sa mga kaibigan ko at higit sa lahat sa sarili ko. Nalagpasan ko na naman ang markahan na ito. 1 down 3 to go!
Monday, August 10, 2015
Ang Dalawang Anghel
Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang anghel na naglalakbay. Dahil sa gabi na, sila ay naghanap ng matutuluyan. Nakakita sila ng bahay at kumatok. Sila'y pinagbuksan ng isang matanda, bagama't nagaalinlangan ito, kaniya pa rin itong pinagbuksan. Sila'y pinatuloy sa maliit at masikip na kwarto, hindi rin sila binigyan ng makakain. Nang sila'y matutulog na may nakitang butas ang nakatatandang anghel. Kanya itong tinakpan, tahimik naman nakamasid ang nakababatang anghel.
Kinabukasan sila'y umalis na at nagpasalamat. Naglakbay ulit sila at napunta sa isang bukid. Habang naglalakbay ang dumaing ang batang anghel na gutom na siya. Naghanap sila ng malapit na kubo, nakita nila matandang mag-asawa, makikita rito ang kahirapan sa buhay. Sila'y pinatuloy nito at pinakain. Nagising ang nakababatang anghel sa malakas na iyak. Lumabas ito at nakita ang matandang babae na umiiyak habang inaasikaso ng kanyang asawa ang kanilang baka na tangi nilang kayamanan. Bumalik ang nakababatang anghel sa loob ng kubo na may galit, kanyang hinarap ang nakatatandang anghel at sinabing "bakit mo iyon ginawa?, iyong matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa ang dingding ng bahay niya, pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon sila ay ialay sa atin hinayaan mo pang mamatay ang baka nila.. bakit?!!". Sinagot naman ito ng nakatatandang ang anghel at sinabing " Naiintindihan ko ang ngitngit mo munting anghel, Pero nung nandoon tayo sa mansyon ng matandang matapobre na sinasabi mo, nakita ko na may kayamanan sa butas ng dingding. Hindi pa niya iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya tinakpan ko iyon. Kagabi naman dumating ang anghel ng kamtayan.. kinukuha ang matandang babae pero dahil mabait sila sa atin.. ang kanilang baka ang aking binigay".
Ang kwento na ito halimbawa lamang na hindi lahat ng sa tingin mong maling desisyon ng mga taong nakapaligid sayo ay laging mali, sapagkat minsan ang desisyon na iyon ay may mabuting intensyon sa iyo.

Saturday, August 1, 2015
Pakinggan Mo rin Ang Paborito ko!
Kilala mo ba si Willie Revillame? Yun yung sikat na tao dati noong taong 2010. Mapabata man o matanda ay labis na humahanga sa kanya dahil sa kanyang angking kabaitan. Ako man ay minsan ng humanga sa kanya lalo na sa mga awiting pinasikat niya.
Isa na dito ay ang awiting kanyang kinanta na may pamagat na "Naririto Ako".Ang awiting ito ay orihinal na nilikha ni Vehnee Saturno na siya namang inawit at binigyang buhay ni Willie Revillame. Ako'y labis na napahanga ng kantang ito lalo na ang kahulugan na mayroon ito. Una ko itong napakinggan sa noontime show niya. Ito'y tungkol sa isang tao na laging nandyan sa oras na ikaw ay walang-wala. Sabi nga sa kanta " Naririto akong kaibigan mo, makakasama mo , ganyan ang puso ko , laging laan para sayo, mauunawaan ka ng bawat tulad ko kaya't ligaya ay ialay natin sa mundo." Ang pagdamay sa iba , kaibigan man o hindi ay naghahatid ng kaligayahan sa sino man. Walang pinipiling oras,lugar at tao kung sino man ang may kailangan ng isang tulad mo. At sa pagbibigay ng tulong na iyon sa ating kapwa na walang hinihinging kapalit ay maihahatid natin ang mumunting kasiyahan. Kung ganito ang bawat isa, tiyak na magkakaroon tayo ng mapayapa at maligayang mundong ginagalawan. Sana ang aking paboritong kanta ay magbigay inspirasyon sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Lagi nating tandaan na sa bawat problema ay meron tayong iisang kaibigan na handang damayan ka. ;)

Thursday, July 23, 2015
Taunang Earthquake Drill
![]() |
Taon - taon kung ito'y isagawa na nilalahukan ng buong bansa para magkaroon ng kahandaan ang bawat indibidwal sa maaaring mangyari sa oras na dumating ito. Paano ito mapaghahandaan kung mismong ang mga estudyante na nagsasagawa ng ganitong seryosong aktibidad ay hindi magawang magseryoso. Maraming hindi sumusunod sa dapat gawin, maraming nagpupulbo ng mukha habang nasa pila, maraming kumukuha ng kanya kanyang litrato, maraming nagtatawanan habang lumalakad, ang iba naman ay nagagawa pang bumili ng inumin sa kalapit na tindahan. Ito ba talaga ang dapat gawin sa ganitong aktibidad? Paano na lang pala kapag ito'y hindi inaasahang dumating?
Aaminin ko, noong ako'y nasa elementarya pa lamang ang hindi ko sineseryoso ang earthquake drill sapagkat hindi ko pa alam ang dahilan at maging ang tulong nito para sa akin. Ngunit ngayong nasa highschool na ako, bagaman tirik ang araw ay di ko maiwasang magseryoso at mainis sa mga kapwa ko estudyante na ganun na lang magtawanan sa gitna ng drill na ito. Magkahalong inis at pagkayamot na dagdagan pa ng mainit na klima ay di ko maiwasang sawayin ang mga kapwa ko kamag-aral, magalit man sila ay ginawa ko lang ang tamang dapat gawin.
Hindi man natin alam kung kailan at kung saan tayo aabutan ng parusa ng kalikasan ay tama na maging handa tayo sa ganitong pangyayari.
Tuesday, July 21, 2015
Kaibigan kong TUNAY
Tunay na kaibigan,
isang tao na mahirap hanapin. Bakit nga ba mahirap? Eh di ba simpleng
tao lang naman yan! Hindi naman siguro yan si batman at superman?! yan
marahil ang sinasabi ng iba sa mga taong ganto ang depinisyon sa tunay
na kaibigan. Sabagay, tama nga naman sila, tao lang yan ngunit hindi
naman yun ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin ay yung mga taong
TUNAY ang paguugali. Hindi sa sinasabi kong maraming peke ang ugali.
Pero kadalasan kasi sa aking nakikitang mga magkakaibigan ay dahil
lamang sa nakukuha nila dito. Gaya na lamang ng kaibigan kita dahil
pinakopya mo ako ng takdang aralin, kaibigan kita dahil pinautang mo
ako, kaibigan kita dahil lagi mo akong nililibre. Kaibigan ba ang
matatwag sa mga ganong dahilan? Kaibigan dahil nakikinabang ka dito?
Paano pala kapag hindi ka na pinakopya? hindi ka na pinautang? hindi ka
na nilibre? edi magkaaway na kayo? yun ang pinupunto ko hindi lahat ng
kaibigan ay TUNAY sapagkat karamihan sa kanila ay nagpupumilit lamang
maging tunay sa oras ng pangangailangan. Nakakalungkot man isipin ngunit
ganyan na ang kalakalan ngayon, kung hindi ka mapapakinabangan ay di ka
kilala at kapag magaling ka aba kayo na ang magbestfriend! Pero ano nga
ba ang mga gusto kong katangian ng aking TUNAY na kaibigan? Sa totoo
lang nakilala ko na sila. Madalas man ay nagtatampo ako sa kanila pero
mabilis lamang iyong lilipas. Sila kasi yung mga taong pagtatawanan ka
hindi dahil nagkamali pero pagtatawan ka nila para tumawa ka rin sa dun
sa pagkakamali mo at baguhin mo iyon ng hindi ka nalulungkot dahil
nagkamali ka. Kayo yung magkakaibigan na hindi naglalaglagan. hindi
nagtuturuan kapag may problema sa halip ay pinagtutulungan niyo iyong
itama. kayo yung sa oras na walang nagawa yung isa pero sisikapin niyong
tulungan siya para lahat kayo meron. Kayo yung hindi nagbibilangan ng
itinulong para mas maging maayos yung pagkakaibigan niyo. At higit sa
lahat hindi sila yung tipo ng mga tao na huhusgahan ka sa kung ano yung
mga kakulangan mo pero tutulong pa sila para mapunan ito. Ngayon,
sabihin niyo sakin sino ang TUNAY na kaibigan mo?
Hindi lahat ng Juan ay tamad
Juan Tamad .. di ba siya ay isang binata na walang ginawa kung hindi matulog at parang lantang gulay kapag inuutusan ng kanyang ina. Paano kung ang Juan na ating nakilala sa bansag na "Juan Tamad" ay maging si "Juan Masipag"? Ano kaya ang naging dahilan nito??
Tayo'y magbalik tanaw sa kwento ni Juan.
Tanghaling tapat ay nakahiga na sa Juan sa ilalim ng puno ng bayabas hinihintay ang paglaglag ng bunga nito. Napakatamad talaga, hanggang sa naunahan siyang kunin ng isang babae na nagngangalang Maria. Agad na nabighani si Juan sa kanyang kagandahan. Siya'y umakyat ng ligaw sa dalaga at ng kanya ng harapin ang ina nito, hindi mapigilan ng ina ni Maria na magbalik tanaw ng ilan sa mga katamarang ginawa ni Juan.
Una, ay ng utusan siya ng kanyang ina na ilako ang paninda nitong puto. Kahit na tamad na tamad ay naglako si Juan. Sa kanyang paglalako ay naisip niyang baka mabilad ang mga puto sa araw, kaya naman kinain niya ito at habang siya'y kumakain nakita niya ang mga palaka na para bang nagmamakaawa na bigyan niya ito, at ganun nga ang nangyari pinagsaluhan nila ang puto na dapat ay kanyang ilalako. Paguwi ay hinanap ng kanyang ina ang pinagbentahan nito, at doon ikwenento ni Juan ang nangyari, agad na nagalit ang kanyang ina at hinabol siya ng walis tingting.
Pangalawa, inutusan siya ng kanyang ina na ibenta ang mga palayok. At dahil sa sobrang kaantukan ni Juan ay di niya napansin ang parating na si Maria na nakasakay sa bisikleta.Dahil sa kawalan ng preno ay hindi sinasadyang bumangga si Maria rito at nahulog ang kanyang mga dalang palayok at nabasag. Dahil sa nangyari ay nagisip si Juan ng maaaring gawin rito upang hindi magalit ang kanyang ina. Nagkataong noong araw na iyon ay laganap ang pangangati ng katawan ng kanyang mga kabaryo dahil sa mga garapata. Naisipan niyang dikdikin ang mga basag basag na palayok, hanggang sa ito'y maging pino. Kanya itong binenta bilang gamot pangtanggal ng garapata. Agad naman itong naubos, ngunit ng hindi tumalab ang epekto nito ay hinabol siya ng taong bayan at pinagalitan na naman ng kanyang ina.
Pangatlo, dahil siya'y naparusahan ng kanyang ina na lumuhod sa asin inutusan siya nito na bumili ng asin. At habang siya ay pabalik na, nakita niya ang dagat, ito'y napakalinaw at labis na kaakit akit. At dahil hindi niya na mapigil ang magtampisaw dito. Bago siya lumusong ay kanya munang itinago ang asin sa ilalim ng lupa at pinatungan ng bato upang hindi kuhain ng magnanakaw saka pumunta sa dagat. Sa kanyang pagbalik ay nawala na ang asin. Hindi niya naisip na ito'y natunaw pala sapagkat naaabot ng tubig ang kanyang pinagtaguan ng asin.Bumalik siyang walang dalang asin at pinagalitan na naman ng kanyang ina.
Pang-apat, habang si Juan ay nangingisda siya ay natutulog, kanya lamang itinali ang pangmingwit sa kanyang paa. Sa kanyang pag tulog hindi niya alam na ang dulo ng ilog ay talon kung saan maaari siyang mahulog, mabuti na lamang at siya'y niligtas ni Maria.
Panglima, nagpabili ang kanyang ina ng alimango, habang pauwi dala dala ang kanyang pinamili ay nakita niya si Maria na may bitbit na durian, kanyang inutusan ang mga alimango na maunang umuwi sa kanilang bahay sapagkat tutulungan niya pa si Maria. Sa kanyang paguwi ay agad siyang pinagalitan ng kanyang ina dahil nga naman hindi makakauwi ng magisa ang mga alimango. Dahil sa labis na galit ay sumama ang pakiramdam ng kanyang ina. At dahil sa labis na pagaalala si Juan na ang nagluto,nagsaing,naglinis ng bahay, at maging ang pagtitinda ng palayok.
Walang tigil na pagkekwento ng ina ni Maria. Ngunit agad naman itong pinanindigan ni Juan na siya ay nagbago na at mas lalo pa siyang magiging masipag upang makuha ang kamay ni Maria. At agad naman itong pinatunayan ni Juan, siya ang nagpapakain ng mga alagang hayop nito, nagpuputol ng kahoy at maging ang paglilinis sa bakuran nila Maria. Di nagtagal ay nagpakasal ang dalawa. Ikinasal na Si Juan Tamad kay Mariang Masipag.
Sa kwentong ito'y talaga nga namang ang dating si Juan Tamad ay naging Juan Masipag dahil sa kanyang mga minamahal na tao gaya na lamang ng kanyang ina at ni Maria. Patunay lamang ang kwento na ito na hindi lahat ng Juan ay Tamad.

Subscribe to:
Comments (Atom)