Monday, August 10, 2015

Ang Dalawang Anghel

     Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang anghel na naglalakbay. Dahil sa gabi na, sila ay naghanap ng matutuluyan. Nakakita sila ng bahay at kumatok. Sila'y pinagbuksan ng isang matanda, bagama't nagaalinlangan ito, kaniya pa rin itong pinagbuksan. Sila'y pinatuloy sa maliit at masikip na kwarto, hindi rin sila binigyan ng makakain. Nang sila'y matutulog na may nakitang butas ang nakatatandang anghel. Kanya itong tinakpan, tahimik naman nakamasid ang nakababatang anghel.
    Kinabukasan sila'y umalis na at nagpasalamat. Naglakbay ulit sila at napunta sa isang bukid. Habang naglalakbay ang dumaing ang batang anghel na gutom na siya. Naghanap sila ng malapit na kubo, nakita nila matandang mag-asawa, makikita rito ang kahirapan sa buhay. Sila'y pinatuloy nito at pinakain. Nagising ang nakababatang anghel sa malakas na iyak. Lumabas ito at nakita ang matandang babae na umiiyak habang inaasikaso ng kanyang asawa ang kanilang baka na tangi nilang kayamanan. Bumalik ang nakababatang anghel sa loob ng kubo na may galit, kanyang hinarap ang nakatatandang anghel at sinabing "bakit mo iyon ginawa?, iyong matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa ang dingding ng bahay niya, pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon sila ay ialay sa atin hinayaan mo pang mamatay ang baka nila.. bakit?!!". Sinagot naman ito ng nakatatandang ang anghel at sinabing " Naiintindihan ko ang ngitngit mo munting anghel, Pero nung nandoon tayo sa mansyon ng matandang matapobre na sinasabi mo, nakita ko na may kayamanan sa butas ng dingding. Hindi pa niya iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya tinakpan ko iyon. Kagabi naman dumating ang anghel ng kamtayan.. kinukuha ang matandang babae pero dahil mabait sila sa atin.. ang kanilang baka ang aking binigay".
      Ang kwento na ito halimbawa lamang na hindi lahat ng sa tingin mong maling desisyon ng mga taong nakapaligid sayo ay laging mali, sapagkat minsan ang desisyon na iyon ay may mabuting intensyon sa iyo.

No comments:

Post a Comment