Kilala mo ba si Willie Revillame? Yun yung sikat na tao dati noong taong 2010. Mapabata man o matanda ay labis na humahanga sa kanya dahil sa kanyang angking kabaitan. Ako man ay minsan ng humanga sa kanya lalo na sa mga awiting pinasikat niya.
Isa na dito ay ang awiting kanyang kinanta na may pamagat na "Naririto Ako".Ang awiting ito ay orihinal na nilikha ni Vehnee Saturno na siya namang inawit at binigyang buhay ni Willie Revillame. Ako'y labis na napahanga ng kantang ito lalo na ang kahulugan na mayroon ito. Una ko itong napakinggan sa noontime show niya. Ito'y tungkol sa isang tao na laging nandyan sa oras na ikaw ay walang-wala. Sabi nga sa kanta " Naririto akong kaibigan mo, makakasama mo , ganyan ang puso ko , laging laan para sayo, mauunawaan ka ng bawat tulad ko kaya't ligaya ay ialay natin sa mundo." Ang pagdamay sa iba , kaibigan man o hindi ay naghahatid ng kaligayahan sa sino man. Walang pinipiling oras,lugar at tao kung sino man ang may kailangan ng isang tulad mo. At sa pagbibigay ng tulong na iyon sa ating kapwa na walang hinihinging kapalit ay maihahatid natin ang mumunting kasiyahan. Kung ganito ang bawat isa, tiyak na magkakaroon tayo ng mapayapa at maligayang mundong ginagalawan. Sana ang aking paboritong kanta ay magbigay inspirasyon sa mga taong nawawalan ng pag-asa. Lagi nating tandaan na sa bawat problema ay meron tayong iisang kaibigan na handang damayan ka. ;)
No comments:
Post a Comment