10...9....8...7...6....5...4..3..2...1 "HAPPY NEW YEAR!" Grabe! Sa dami ng mga kaganapang yumanig sa buong mundo noong nakaraang taon, hindi ko na napansin na magpapalit na pala kami ng kalendaryo sa bahay. Pati edad ko madadagdagan na naman! Nako! Ano ano na naman kaya ang magaganap ngayong taon? Manalo kaya ulit ang Pilipinas sa Miss Universe? o mapupunta na sa Tsina ang Spratlys? Ilan lang yan sa mga patuloy na inaabangan ng mga pinoy ngayong taon.
Eh ako? ano ba ang mga gusto kong mangyari sa akin ngayong taon? ano ba ang New Year's Resolution ko?
1.Unang una sa listahan at hindi na yata mawawala ay ang MAGPAPAYAT! Taon taon na lang talaga. Pag tinatanong ako yan lagi ang sagot. Ang hirap naman kasi pigilan pag gutom eh. Pero syempre pipilitin ko. Tiwala lang!
2. Wag ipagpabukas ang gawain ngayon! Sana lang mabago ko ito para hindi na ako matambakan ng gawain at kapusin sa oras. Pero kahit ganun natatapos ko rin naman. Mahirap nga lang talaga kapag maramihan.
3. Bawasan ang pagbabasa ng ebook. Hindi naman sa napapabayaan ko na ang mga takdang aralin ko. Pero kadalasan kasi ng oras ko ay nakakain lang para sa pagbabasa nto. Sana mabago ko rin ito.
Yan lang naman ang mga gusto kong baguhin o bigyang pansin ngayong 2016. Magbago man o hindi basta sinubukan ko. Wala namang masama sa pagbabago. Wag lang nakakasakit sa kapwa mo.
Friday, January 8, 2016
"Sa Paglipas ng Panahon, Maaalala niyo pa rin kaya ako?" Dr.Jose Rizal
Ika- 30 ng Disyembre taong 1896 hinatulan ng kamatayan si Dr. Jose Rizal dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa inang bayan. Siya'y nakipag espadahan gamit ang mga matatalim na salita na kanyang isinulat para sa mga espanyol. Gamit lamang ang plumang panulat ay nagawa niyang magreporma sa nasabing bansa.
Bilang pagbibigay pugay sa kanyang mga nagawa ay ating patuloy na ginugunita at ipinagdiriwang ang kanyang kabayanihan. Maging ako ay labis na humahanga sa kanya at sa iba pang bayani na nagbuwis ng buhay upang makalaya sa malulupit na kamay ng mga banyaga.
Ngunit, habang tumatagal ang panahon ay patuloy na ring kinakalimutan ng iba ang kanilang paghihirap. Patuloy itong nasasapawan ng iba't ibang makabagong kagamitan ngayon. Lalong lalo na ang mga kabataang tulad ko na naaadik at nakadepende sa teknolohiyang ito. Mga gadgets na akala mo'y dun na umiikot ang buong mundo. Minsa'y pa'y may nagtanong sa akin "Kaya mo bang mabuhay ng wala ang cellphone mo?" napaisip ako, kaya ko ba?. Gaya ko, mas aking binibigyang pansin ang mga bagay bagay ngayon at nagagawa ng limutin pa ang kwento ng nakaraan.
Malungkot man ang katotohang ito ngunit di pa rin mabubura sa tala ng kasaysayan ang kanilang mga sakripisyo at pagmamahal sa Perlas ng Silanganan. Ang Pilipinas.
Kaya ako bilang kabataan ng kanilang mga ipinaglaban ay patuloy na ipagmamalaki ang mga kagaya nila.Patuloy mang napapalitan ang kasaysayan ay akin pa rin itong nais balikan bilang isang mamamayan ng aking bansang sinilangan.

Thursday, January 7, 2016
Namamasko Po!
Bili...Linis..Luto...Hiwa ng rekados..Pagaasikaso sa bisita. ..Teka ano bang meron? Sino bang darating? Tignan nga natin. Parol? check! Christmas Tree? check! Pagkain? check? ayy baka pas--- "Namamasko Po!" Pasko na nga!
Buwan palang ng Oktukbre ay talaga namang damang dama na ang pasko. Bukod kasi sa nagkikislapang mga parol ay talaga namang napakalamig na ng simong ng hangin. Senyales na palapit na ang pasko.
Disyembre 25 ang araw ng pasko ngunit nakagawian na nating mga pinoy na hintayin ang pagpatak ng oras sa alas dose ng umaga upang salubungin at ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus. Bawat pamilya ay may kanya kanyang hinandang pagkain na kanilang pagsasaluhan sa araw na ito. Simple man o magara ang handa basta buo ay pamilya ay ayos na.
Ika-24 ng Disyembre, Abalang abala ang aking mama sa paglilinis ng bahay habang ang iba naman ay kanya kanyang gawain. May tagaluto, tagabili, taga ihaw at taga hugas ng ginamit na pinggan. Ang lahat sa amin ay nagkakaisa. Mabilis na lumipas ang oras at ilang minuto na lang ay Pasko na. Maayos na ring nakahanda ang mga aming pagkain. Carbonara, inihaw na baboy at baka, pizza, palabok, menudo, suman at softdrinks. Nakakatakam naman! Hanggang sa ---- " Merry Christmas!" Pasko na! Kanya kanyang batian at syempre kanya kanya ding kuha ng plato para simulan na ang pagsasalo. Simple man ang Pasko ko naging napakasaya naman nito.

Ang babait ninyo Thank You!
Grabe ang bilis ng panahon. Parang kelan lang ang pasukan ngayon pasko na. Syempre sa bawat pasko na dumarating ay hindi mawawala ang ating mga wishlist ng gustong matanggap sa araw ng pasko. Ngayong paskong ito eto ang aking wishlist:
1. Libro nung gustong kong kwento -unang una talaga yung libro kasi mahilig akong magbasa. Lalo na kapag ang ganda nung kwento. Lalo na kapag tungkol sa mga "mysteries".
2. Journal - Bilang isang writer kelangan ko nito. Kapag may isusulat na mga artikulo o hindi kaya pagmagiinterview.
3. Kahit ano basta may tatak ng paborito kong Kpop artist na si Luhan. Siya ay kasali sa grupo ng Exo na sikat na sikat ngayon.
4. Pagmamahal - Hindi man nabibili pero naibibigay. Hindi ito yung girlfriend-boyfriend. Ito yung bumubuo sa mas masayang samahan sa pamilya man o kaibigan.
Karamihan man sa gusto ko ay materyal na bagay, hindi pa rin nito matutumbasan ang mga regalo na bukal sa loob na iyong ibibigay. Mahal man o mura basta nais mong mapasaya ang iyong bibigyan ay sapat na para sumaya ang pasko. Ika nga nila "ang tunay na diwa ng pasko ay pagbibigayan". Kaya sa lahat ng nagbigay ng regalo sa akin " ANG BABAIT NINYO, THANK YOU!".

Subscribe to:
Comments (Atom)