Friday, August 21, 2015
1 down 3 to go!
Isang markahan na naman ang lumipas. Sa markahang iyon marami rami rin ang di inaasahang nangyari nariyan iyong tipong mapapaiyak ka na lang sa hirap, minsan nama'y mapapahagalpak ka nalang sa tuwa, mapapasabunot ka sa sarili dahil sa inis, at ang sarap mapag-isa kapag alam mong pagod na pagod ka na. Lahat ng yan ay naranasan ko sa unang tatlong buwan ng taong panuruan na ito. Nakakatuwa lang balikan yung mga panahong kelangan niyo pang maghanapan ng guro mo sa iba't ibang asignatura para maipasa ang proyekto mo na animo'y kapag hindi mo iyon naibigay ayun na ang magiging wakas ng buhay mo, yung mga araw na hapon ka na nakakauwi matapos lang yung pinaghandaan niyong presentasyon ng mga kagrupo mo na taon - taon sila at sila pa rin ang kasama mo. Nandun din yung may magsasagutan at magbabangayan na kulang na lang magsapakan kung bakit ganoon nalang ang nakuha nilang marka todo sisi sa isa todo pagtanggi naman yung isa kesyo di ka tumulong, di ka pumunta sa praktis, di ka nagbigay ng ambag at kung ano - ano pa. Marami na naman akong natutunan sa markahang ito, salamat sa aking mga bagong guro, sa mga kaklase ko, sa mga kagrupo ko, sa mga kaibigan ko at higit sa lahat sa sarili ko. Nalagpasan ko na naman ang markahan na ito. 1 down 3 to go!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment